mga eye-openers at mga bagay na pwede nating magamit sa buhay natin..... eto yung pagkakaintindi ko..
"Ang dila ng tao'y kakaibang itak, habang ginagamit, lalong tumatalas"
- kaya minasan, nakakasakit tayo sa ating mga sinasabi..
"Ang nabubuhay sa pangarap, namamatay sa gutom"
- kung puro ka lang pangarap, wala ka talagang mararating..
"Habang basa pa ang nguso, naaalala ang pangako"
- habang buhay ka pa, alam mo yung mga plano mo at mga promise mo...
"Ang ugat ng kaalaman, mapait pa sa apdo, pero kung mamunga, matamis pa sa pulot-pukyutan"
- the truth hurts... pero kung tinaggap mo ng buong-buo, magiging mas mabuting tao ka..
"Madali ang maging tao, mahirap ang magpakatao"
- kailangan ko pa ba i-explain?
"Ang karapatan, kahit ilang beses niyurakan, ay karapatan pa rin"
- the saying speaks for itself..
"Ang nagpapakumbaba ay paparangalan; ang nagyayabang ay mapapahiya"
- best way is to stay humble... kaysa mapahiya ka sa kayabangan mo
"Ang may kasalanan ay laging nangungumpisal sa sarili"
- alam mo sa sarili mo kung may kasalanan ka...
"Kapag masakit ang biro, nagpaparugo ng puso"
- minsan kahit biro, nakakasakit pa rin...
"Ang masamang biro't bati ng katotong tanging-tangi, parang sugat na mahapdi, gumaling ma'y nagsasanhi"
- kapag nasaktan ka sa biro, kahit na lumipas na ang panahon, may bakas pa rin na natitira...
"Ang bakas ng karanasan ay tanda ng kaalaman"
- an experienced person knows best
"Sa alitan ng magkapatid ay huwag makisali; kapag sila'y nagkasundo, galit sa iyo'y mananatili"
- need i explain more?